top of page

Benipisyo Ng Brocoli At Cauliflower

Alam nating masustansya ang mga gulay. Ngunit alam ba ninyo na ang brocoli at cauliflower ay tinaguriang ng mga eksperto at pinakamasustansya sa lahat ng gulay?

Ayon sa US Department of Agriculture, ang brocoli ay mas mayaman sa vitamina C kumpara sa orange. Kasing-dami ang calcium ng brocoli ay mayaman sa vitamina C kumpara sa orange. Kasing dami ang calcium ng brocoli sa isang basong gatas, ang mga sanga ng brocoli ay may 3 dobleng fiber kumpara sa isang pirasong wheat bread.

Ang isang tasa ng steamed brocoli (146 grams) ay may ganitong sustansya. 46 calories (hindi nakakataba), 4.6 g protein 8.7 carbohydratess, 6.4 g fiber, 178 g calcium 1.8 mg iron, 50 mcg vitamins A, 0.13 mg thiamin (Vitamin B1),0.32 mg ribonflavin (Vitamin B2).1.18 mg niacin (Vitamin B3),0.9 mg Vitamin B5, 0.27 mg Vitamin B6, 90 mcg folate, at 98 mg vitamin C (doble ng ating pangangailngan sa isang araw).

Heto ang mga sakit na puwedeng matulungan ng brocoli at cauliflower.

1.Para sa mga babae

Ang broccoli ay may kemikal na sulforaphane na makakatulong sa pag iwas sa breast cancer.Ang sulforaphane ay pinipigilan ang isang estrogen metabolite na may kaugnayan sa breast cancer. May taglay na folic acid abg broccoli na kailangan ng bata sa sinapupunan, Ang calcium nito ay makakatulong din sa pag iwas sa osteoporisis.

2. Para labanan ang kanser.

Ang sulforaphane ay nagpapadami ng isang selula kung tawagin ay helper T-cells, tinutulungan nito ang ating atay na tanggalin ang mga dumi na naglalanghap natin tulad ng usok ng sigarilyo, usok ng sasakyan, at mga gamot at alak ng iniinom. Ayon sa pagsusuri sa tokyo at singapore, makakatulong ang broccoli at culiflower sa [ag iwas sa kanser sa balat at baga. sa katunayan ayon sa World Cancer Research fund, may 206 na pagsisiyatsat na ang nagsasabi na ang brocoli at cauliflower ay pangotra sa kanser sa bibig, lalamunan, suso, tiyan, baga, lapay(Pancrease)at bituka.

3.Para sa mataas Ang kolesterol.

Ang fiber na taglay ng broccoli ay makakatulong sa pagbaba ng kolesterol sa dugo at masasabi nating nkakalinis ng bituka.

4. Para pumayat.

Hindi nakakataba ang mga gulay kumpara sa karne at matatamis na pagkain ang isang tasa ng broccoli o cauliflower ay may taglay lamang ng 46 calories kung gusti ninyong pumayat, at kumain ng gulay para mabusog kaagad.

5. Para lumakas ang Katawan.

Maraming antioxiduants ang broccoli na lumlaban sa sakit tulad ng betacarotene, vitamin C at glutathione. May siyentipiko na nagsasabi na mas mabisa ang natural ng glutathione ang gsling sa gulay dahil tinutulungan nito ang atay na alisin ang mga masasamang kemikal tulad ng lead ar mercury.

6Bukod sa sakit na nabanggit, ang pagkain broccoli at cauliflower ay maari ding may benepisyo sa sakit na Alzheimer' diease, diabetes, sakit sa puso at arthritis.

Paano ba ang tamang pagkain nito?

Para maluwa ang sustansya ng gulay, piliinang pinakasariwang gulay na mabibili. ang lahat ng parte ng broccoli at cauliflower ay masustansya. subukan pasingawan (steam) ang broccoli kaysa pakuluan ito. Ilagay ang broccoli sa isang steamer. Pagkaluto, ang kulay ng broccoli ay dapat manatiling berde at hindi maputla o malambot. Isa pang paraan ng pagluluto ay ang pag ihaw (roast|) nito ng may kaunting mantika. ayon sa pag susuri, kapag masyadong niluto ang gulay)over -cooked) mababawasan ang sustansya nito. Bahagya lang dapat ang pagluto para maluto pa (Half -cooked.)

Ayon sa mga dalubhasa, ugaliing kumain ng 3 hanggang 4 na parte ng gulay sa isang araw. Ang dami nito ay humuhigit- kumkulang sa 2 gulay bawat araw.

May pag iingat lang po sa pagkain ng broccoli. kung ikaw ay may mahinang tyroid gland (tinatawag ng hypothyroidism), bawasan lang ang pagkain ng broccoli. ngunit kung kayo naman ay may goiter o hyperthyroidism. baka makatulong pa ang pagkain ng broccoli Isa pang epekto ng broccoli ay ang paghangin ng tiyan. para maiwasan lagyan ng bawang o luya ang broccoli. may dagdag sustansya pa ang bawang at luya.


bottom of page