Mga Pagkain na nakakaganda ng mood at nilalabanan ng stress
whole grains, nagpapataas ng serotonin o happy hormones, Bahagi na yata ng ating pang araw- araw ang stress, mula sa traffic,mahabang pila sa sakayan, mausok at mainit na kalsada at marami pang iba, ngunit alam ninyo ba na ang stress sa mahaba tuloy -tuloy na panahon ay nakakasama sa ating kalusugan at pag iisip?Upang labanan ito subukan ang pagkain na nakakabuti sa ating mood, maina kung magiging bahagi ito ng iyong diet sa pang araw- araw. Pagkaing mataas sa omega-3 fatty acids, gaya ng oily fish na tuna, mackerel at salmon. Piliin ang hindi galing sa sa lata sapagkat ang mga 'canned meats' na ito ay mataas sa sodium content na hindi nakakabuti sa blood pressure. Bukod sa ida mabuti rin ang walnuts at avocado na mayaman sa omega-3, maganda rin ito sa balat upang labanan ang skin aging,Gumagamit ng olive oil sa pagluluto, taglay nito ang healthy fats at omega - 3 acids.Ang whole grain oats, quinoa, brown rice at 100% whole grain pasta at tinapay ay nagbibigay ng mabuting epekto sa ating utak sa pamamagitan ng pagpapataas nito sa seotonin, ang hormone na responsable sa mood balance, Ang mga carbohydrates na nabangit ay mataas din sa fiber, protein, vitamins at minerals kumpara sa refined carbohydrates.Uminom ng chamomile tea. Bukod sa tsaa mayroon na ring ointment, capsules at juice ang Chamomile. kung iinom ng tsaa, maigi kung tatlo hanggang apat na beses ito sa isang araw. ayon din sa pag aaral ang chamomile ay nakakatulong din sa mga taong may anxiety. kumain ng saging dahi ito ay mayaman sa fiber at tryptophan na nakakapag- relax at nakakaganda ng mood.Ang pagkaing keso, chicken, soy products,itlog, tofu,isda,gatas,turkey,mani,peanut butter,pumpkin seeds at sesame seeds ay mayaman din sa sangkap na tryptohan, isang amino acid na pangunahing kailangan ng katawan upang magproduce ng serotonin na nagbabalanse ng ating mood.Uminom ng dalawang litro ng tubig kada araw. Imbes na uminom ng softrinks o juice bilang pampalamig, piliin ang tubig. Ang pagiging hydrated ay nakakatulong sa maayos na sistema ng katawan at pagiisip.