20 Paraan para humaba Ang Buhay
Mayroon mga epektibong paraan para humaba ang iyong buhay.Sana ay sundin ninyo ang mga payong ito.
1. Suriin ang iyong vitamins at supplements- Ang isang magandang supplement ay Omega- 3 fish oil. Ito'y napapatunayan nagpapahaba ng buhay dahil pinapaluwag nito ang ating ugat.
2. Mag relax- magbawas ng mga gawain at pinoproblema sa buhay. kapag lagi kang galit at mainitin ang ulo, tataas ang iyong stress hormones sa katawan.
3.Magdasal - ayon sa pagsusuri, ang mga taong madasalin at masiyahin ay mas mahaba ang buhay kumpara sa mga hindi naniniwala sa Diyos.
4.Magpabakuna- Malaki tulong ng bakuna para makaiwas sa sakit.May bakuna laban sa hepatitis B, Pulmonya, trangkaso,at iba pa. Magpakonsulta sa doktor
5.Umiwas sa alak- Nakakasira sa ating ugat, utak at atay ang alak.
6.Magpatingin sa magaling na doktor- Ang trabaho ng isang doktor ay ituturo sa iyo ang dapat ipasuri sa iyong katawan, Magpa blood test. urinalysis, X-ray at EGG bawat 1 o 2 Taon/
7.Mag ehersiyo- Ayon sa mga eksperto, kahit konting ehersiyo lang ay makakatulong na sa kalusugan. Maglakad. umakyat ng hagdan at maglinis ng bahay.
8.Mag-asawa o magkaroon ng kasama ng kasama sa buhay- mas mahaba ang buhay ng mga may asawa dahil may magbabantay sa iyo kapag ikaw nagkasakit.
9.Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay- lagingmag iisip ng maganda tungkol sa iyong sitwasyon sa kapwa. Magbasa at manood ng mga good news lamang.
10.Tumutulong sa kapwa- Ayon sa pagsusuri, ang taong matulungin ay nagiging mas masaya at mas healthy kumpara sa iba.
11.Umiwas sa bisyo at peligro- Ayon sa pagsusuri, ang taong ,matulungin ay nagiging mas masaya at mas healthy kumpara sa iba.
11.Umiwas sa bisyo at peligro- huwag sumabak sa mga bisyo na makakasama saiyo. Iwas sigarilyo. iwas alak at iwas droga. mag isip muna bago mag -desisyomn.
12.Mag ipon ng Pera-kailangan natin ng pera para makabili ng gamot at magpacheck up.
13. Mag enrol sa philhealth o kumuha ng health card. napakalaki ng benipisyo kung ikaw'y may philhealth card malaki ang mababawa sa iyong gastusin pang ospital.
14. Kumain ng 2 tasa ng ibat ibang prutas araw araw. ang pinakamasustanyang prutas ay ang saging , pakwan, mansanas at dalandan.
15. kumain ng 2 tasa ng mabeberdeng gulay araw- araw.
16.kumain ng matatabang isda tulad ng sardinas (tamban)bangus, salmon, tilapia, at mackerel (hasa hasa, galungong at tuna,)
17.Magpapayat-alamin ang iyong tamang timbang at pilitinng maabot ito Piliin ang pagkainbase sa kabutihan na maidudulot sa ating katawan,
18.Uminom ng gamot sa high blood at diabetes kung kinakailangan- kung ang presyon mo ay lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka kung ang iyong fasting blood sugar ay lamapas 124mg/dl ang ibig sabihin ay may diabetes na. kumonsulta sa doktor para malaman ang dapat inumin na maintenance na gamot.
19.Alamin ang sakit- Magbasa at aralin ang iyong sakit. kung mas maaga kang magpacheck up ay mas maaga nating malulunasan ang iyong nararamdaman.
20. Itigil ang sigarilyo -tinatayang 6 na taon ang nababawas sa iyong buhay kung ika'y naninigarilyo itigil na ang sigarilyo at siguradu hahaba ang iyong buhay.