top of page

Check Up para Sa lahat

Alam kong marami ang ayaw magpacheck up sa doktor . Una Mahal magpa konsulta sa doktor. Pangalawa, Takot tayong malaman ang atingsakit, Nauunwaan ko ito.

Ngunit ang lahat ng tao edad 40 pataas ay magandang magpacheck up kung ikaw ay wala pang 40, pero mayroon kayongnararamdaman o may lahi kayo ng saskit sa puso, o diabetes, puwede nang magpacheck up . gawin ito kada 1 0 2 taon.

1 Ipasuri sa dugo ang mga sumusunod(blood test).

a. Complete blood count o CBC- makikita rito kung ikaw ay anemic o kulang sa dugo. makikita rin kung may impekisyon ka sa katawan.

b.Fasting blood sugar o FBS- kung lampas105 ml/dl ang inyong blood sugar, ang ibig sabihin ay may mild diabetes na

c. lipid profile- kasama sa test na ito ang cholesterol, triglycerides, good cholesterol (HDL)at bad cholesterol (LDL). kapag mahilig kayo sa matabangpagkain, puwedeng tumaas ang iyong cholesterol.

d. Creatinine- tumataas ang creatinine kapag may sakit na sa bato (kidneys)

e.Uric acid- kapag mataas ang iyong uric acid, puwedeng magkarooon ng sakit ng gout.

f.SGPT-ang SGPT ay magpakita kung may diprensya ang inyong atay.Ang sakit na hepatitis at ang pag inom ng alak ay nakakasira sa ating atay. Ang halaga ng mga nabangit na blood testay mga P800 lamang sa murang laboratoryo. Tandaan din na may 10 hours fasting ang pagkuwa ng dugo. Kung 8 ng gabi ang huling kain niyo puwedeng magpa-blod test ng 6 ng umaga, bago pa mag almusal.

2.Ipasuri ang ihi(Urinalysis)- Sa urinalysis, makikita kung may impekyon sa ihi, may diabetes o may sakit sa bato.

3.Magpakuwa ng blood pressure ngregular. kung ang blood pressure niyo ay lampas sa 140 over 90, magpakonsulta sa doktor at baka may high blood na.

4.ChestX-ray- Makikita sa Chest X-ray kung may impeksyon sa baga o may bukol sa baga o lumalaki ang puso.

5.EGG- kapag normal ang inyong EGG ay wala naman dapat ikabahala ngunit kung may nakikita, magpasuri sa isang cardiologist o espesyalista sa puso.

6. D -Echocardiogram with Doppler test-Ang 2D- Echo ay ginagawa para matiyak kung may sakit sa puso o wala. mas tumpak ito kaysa sa simpleng EGG.Ang @D- echo ay parang ultrasounde ng puso kung saan lalabas ang hugis ng inyong puso sa isang telebisyon. Nagkakahalaga ito ng P2,000 sa murang laboratoryo. ngunit aabot ng P4.000 sa malaking ospital.

7.Utrasound of the whole adomen - makikita sa ultrasound kung may diprensya ang iyong atay- (liver) apdo(gallbladder) pale(spleen) lapay (pancreas).bato (kidneys)matris (uterus), obaryo(ovaries)at pantog (bladder).Ang galing hindi ba?Nakakahalaga ito ng mga P1,000 sa murang laboratory. huwag pong mangamba. kapag maaga nating malalaman ang kondisyon ng iyong katawan, mas magagawan natin ito ng tamang solusyon, kaya magpacheck up na!.


bottom of page