top of page

URI NG MGA HALAMANG GAMOT

Ang mga halamang gamot ay maaaring gamitin ng sinuman o sa paraang gugustuhin niya. Maaari mo itong kainin bilang salad (kainin ng hilaw), itimpla bilang herbal na tsaa o inumin bilang food supplement. May mga tao dito sa Pilipinas, maging propesyonal man o nag aaral pa lamang na maging herbalista ang nagtatanim at nag eeksperimento kung paano epektibong ihahanda ang mga halamang gamot. Ang paggawa ng sariling timpla ng halamang gamot ay talagang masaya at matipid. Gayunman, ang paghahanda ng sariling timpla ng halamang gamot ay nangangailang ng kasanayan at sapat na kaalaman. Kaya responsabilidad mo ang magiging kahihinatnan ng paggamit mo ng halamang gamot.Ang mga sumusunod ay ang aming lista kung paano mo pwedeng ihanda ang mga halamang gamot na nais mong gamitin.Ang mga halamang gamot at paraan ng paggamit nito. Tandaan lamang na hindi namin ilinista ang lahat ng mga pamamaraan. Tingnan mo ang mga artikulo sa website na ito para malaman moa ng isang partikular na paghahanda ng halamang gamot sa isang partikular na uri ng karamdaman.

May dalawang paraan ng paggawa ng tsaa na gawa sa halamang gamot, ang infusion at decoction. Ang infusion ay ang pagbabad ng malalambot na bahagi ng halaman tulad ng dahon, bulaklak o murang tangkay sa kumukulong tubig sa loob ng ilang minuto. Decoction naman ang tawag sa pamamaraan kapag pinakuluan mo ang matitigas na bahagi ng halaman tulad ng ugat o balat ng kahoy sa mas matagal na panahon. Ang tsaa na gawa sa halamang gamot ay ginagamit bilang bahagi ng pangangalaga sa bahay sa mga taong may sakit bilang pang halili sa kape o tsaa.Bilang pangkalahatang tuntunin maliban na sabihin ng dalubhasa, mag handa ng isang kutsarita ng pinatuyong bahagi ng halamang gamot para sa bawat baso ng tubig. Ibabad ito sa kumukulong tubig sa loob ng 10 hanggang 20 minuto. Salain at inumin ng tatlo o apat na ulit araw araw.

TINCTURE NA GAWA SA HERBAL

Ang paggawa ng tincture ay isang pamamaraan na ginagawa para makuha ang aktibong sangkap na nakapaloob sa halamang gamot ay maitago ito ng mas matagal ng panahon. Sa pamamaraan ito, ibinababad ang bahagi ng halamang gamot sa alcohol o alak.Para gumawa ng tincture kailangan ang mga sumusunod:

  • Walong onsa ng pininong pinatuyong halamang gamot.

  • Isang malaking lalagyan na may takip, na kayang maglaman ng apat na baso ng likido.

  • 2 baso ng alak, mas maganda kung makabili ka ng vodka.

PAMAMARAAN NG PAGHAHANDA

Ilagay ang pinatuyong halaman sa malaking lalagyan. Ibuhos ang kaparehong dami ng alak na sinisigurong nakababad lahat ang pinatuyong halaman. Takpan at itago sa malamig at madilim na silid sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo. Siguruhing maaalog mo ito araw araw. Kapag pwede na itong gamitin, salain mo ito gamit ang tela para maihiwalay ang likido sa mga halaman. Itago ang likido na hindi naiinitan ng araw. Kung maitatago mo ito ng mabuti, pwede itong maging epektibo sa loob ng mahigit dalawang taon. Kung suka ang ginamit mo, dapat itong itago sa loob ng refrigerator.Ang isang patak ng tincture ay katumbas ng isang kutsarita ng katas ng halaman.

KATAS NG HALAMAN

Ang mismong katas ng halaman ay mas malakas kumpara sa tincture. Pigain moa ng halamang gamot gamit ang alcohol o glycerin.

PAGDIKDIK NG HALAMANG GAMOT

Ang poultice o ang pagdikdik ng halamng gamot na may kasamang langis ay ginagamit bilang lunas na pang tapal sa nananakit na bahagi ng katawan. Sa lahat ng paghahanda, ito ay ang pinakamabilis na masira kaya kailangan mong maghanda nga bago sa bawat pagkakataon na kailangan mong gumamit nito.

PULBOS O TABLETA NA GAWA SA HALAMANG GAMOT

Ang mga halamang gamot ay maaari ding patuyuin. Ang ilang bahagi tulad ng dahon ay maaaring ihiwalay at gilingin ng pinong pino para maging pulbos. Ang pulbos ng halamang gamot ay maaaring isiksik sa kapsula o gawing tableta.

CREAM AT OINTMENT NA GAWA SA HALAMANG GAMOT

Ang halamang gamot ay maaaring pigain at haluan ng beeswax para mas madali at komportable ang paglalagay nito sa sugat sa balat.

LANGIS NA GALING SA MGA HALAMAN

Ang pagpiga sa mahahalagang mga sangkap na taglay ng halamang gamot ay maaaring panggalingan ng mahahalagang langis na maaaring gawing panggamot bilang aromatherapy. Pwede rin itong maging pagkunan ng pabango. Ang paggamit ng langis na galing sa mga halamang gamot ay napatunayang mabisa na pang lunas sa sakit ng ulo at mga mga kalamnan pati ng ilang uri ng sakit sa balat.

HERBAL NA MGA SUPPLEMENT

Ang herbal na mga supplement ay komersiyal na mga produkto na maaaring nasa tableta o kapsula na ibinibenta ng mga kompanyang ukol sa kalusugan. Ito ay mabibili sa mga botila na malapit sa inyong lugar. Bagaman sinasabing maingat at siyentipiko ang proseso ng paggawa ng mga supplements na ito, may mga dalubhasang hindi sangayon sa ilang partikular na aspeto ng paggawa at paraan ng pagbebenta nito.


bottom of page