top of page

PINAKAMABISANG HALAMANG GAMOT SA SAKIT SA BATO

Ang sambong ay isang mabisang halamang gamot para sa sakit sa bato dahil ito ay isang sikat na diuretic at nakakatulong para mapaunlad ang kakayahan ng katawan na magpanatili ng tubig. Ang tsaa na gawa sa sambong ay kapag ininom ay tumutulong sa katawan na umihi ng marami para maalis ang sobrang tubig at asin. Ang mga pag aaral ay nagpapakita na ang mataas na asin sa katawan ay isa sa pangunahing mga sanhi ng highblood.

Ang sambong ay ang tanging halamang gamot na inaprobahan ng Philippine National Kidney and Transplant Institute bilang halamang gamot para sa sakit sa bato na may kakayahang pabagalin o maiwasan ang renal failure. Kaya irenerekomenda ng ahensyang ito ang pag inom ng sambong tea o iba pang anyo nito sa mga pasyeng may sakit sa bato. Nakita ng mga dalubahasa ang magandang epekto na nakakatulong na makaiwas ang pasyente sa posibleng dialysis o kidney transplant.

Ang sambong ay kilala ring halamang gamot para sa bato sa kidney. Ang Department of Health ng Pilipinas ay nagrerekomenda ng pag inom ng mga health supplements na gawa sa sambong bilang diurectic at para matunaw ang mga bato sa kidney o kidney stones.

PAGHAHANDA NG HALAMANG GAMOT PARA SA SAKIT SA BATO

Narito ang mga steps sa paggawa ng sambong tea:

  1. Kumuha ka ng dahon ng sambong at hiwain ito para maging maliliit na piraso.

  2. Hugasan ito sa malinis na tubig

  3. Maglaga ng 50 grams ng dahon ng sambong sa isang litro ng tubig

  4. Hayaan ito sa loob ng 10 minuto.

  5. Inumin ng mainit o kaya ay malamig depende sa personal na kagustuhan

PAG IWAS SA SAKIT SA BATO

Ayon sa mga dalubhasa, ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa pagkasira ng bato ay hindi ang pag inom ng halamang gamot para sa bato sa kidney, kundi ang pag-iwas na magkaroon nito.

Narito ang mga golden rule para makaiwas sa sakit sa bato:

  1. Manatiling fit at aktibo

  2. Kontrolin ang blood sugar

  3. Pagkain ng masusustansya at pagpapanatili ng tamang timbang

  4. Uminom ng maraming tubig

  5. Huwag maninigarilyo

  6. Pag iwas sa mga hindi kinakailangang mga gamot, supplements at toxins

  7. Pag papatingin sa lagay ng iyong kidney lalo na kung ikaw ay may high risk factor tulad ng diabetes, highblood, sobrang katabaan at family history ng sakit na ito.


bottom of page