top of page

KALACHUCHI At PAKWAN Malaki ang naitutulong

Hika. Ang paghithit sa sinusunog na dahon ng kalatsutsi na parang naninigarilyo ay makatutulong sa dumadanas ng hika.

  1. Problema sa pagreregla. Ginagamit ang pinaglagaan ng balat ng kahoy o kaya ay dagta ng kalachuchi sa pagkakaroon ng problema sa daloy ng dugo tuwing may buwanang dalaw. Makatutulong ang paggamit sa kalachuchi upang mas mapabuti ang pakiramdam.

  2. Pananakit ng ngipin. Ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ay makabubuti sa dumadanas ng pananakit na ngipin. Ipinangmumumog lamang ito.

  3. Impeksyon ng bulate. Maaaring gamitin ang balat ng kahoy sa ugat ng puno upang puksain ang mga bulate sa tiyan. Ito’y nilalaga at iniinom na parang tsaa.

  4. Galis. Mabisang makagagamot sa galis sa balat ang paghuhugas sa apektadong bahagi ng katawan ng pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kalachuchi.

  5. Mga bukol at tumor. Ang dinikdik na balat ng kahoy ng kalachuchi ay ipinangtatapal sa bahagi ng katawan na may mga bukol at tumor.

  6. Rayuma. Ipinangpapahid sa nananakit na bahagi ng katawan ang dagta ng kalachuchi na hinalo sa langis ng niyog upang mabawasan ang pananakit.

  7. Pangangati ng balat. Mabisang pang-alis ng pangangati ng balat ang pagpapahid ng dagta ng kalachuchi.

  8. Biyak-biyak na talampakan. Ipinangbababad sa apektadong paa ang pinaglagaan ng dahon ng kalachuchi

  9. Diabetes. Ang pinaglagaan naman ng bulaklak ay maaring ipainom sa taong may sakit na diabetes.

MAAARING MAKATULONG NG PAKWAN

  1. Free radicals. Kaya ding malabanan ng antioxidants na taglay ng bunga ng pakwan ang mga free radicals na nakakapagpabilis ng pagtanda ng katawan ng tao.

  2. Sobrang timbang. Epektibong paraan din sa pagkokontrol ng tamang timbang ang pagkain ng sa bunga ng pakwan sapagkat madali itong makabusog.

  3. Diabetes. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagkain sa bunga ng pakwan ay epektibong pangkontrol sa asukal sa dugo lalo na kung mayroong diabetes.

  4. Pagtatae. Ang pinatuyong balat ng bunga ng pakwan ay makatutulong sa kondisyon ng pagtatae. Ito ay karaniwang pinatutuyo, dinudurog at hinahalo sa inumin.

  5. Uhaw. Ang matinding uhaw ay maaaring matulungan ng pagkain sa bunga ng pakwan.

  6. Hirap sa pag-ihi. Makatutulong sa kondisyon ng problema sa pag-ihi ang madalas na pagkain o pag-inom sa katas ng bunga ng pakwan.


bottom of page