Gamot Para Sa Rayuma At Kondisyon na Maaring Magamot ng Okra
1.Luya Ang ugat ng luya ay kilalang pampalasa o spice na hinahalo sa maraming lutuin. Ang matapang na amoy at taglay nitong anghang ay may epektong nakakabawas sa implamasyon na nararanasan ng katawan, gaya ng rayuma.
Paano ito gamitin? Ang regular na pag-inom ng salabat o pinaglagaan ng luya ay nakatutulong na maibsan ang pananakit na dulot ng rayuma. Maaari ding ipahid sa bahagi ng katawan na nananakit ang dinikdik na luya. Basahin ang iba pang benepisyo ng luya sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Luya.
2. Luyang dilaw
Gaya rin karaniwang luya, ang luyang dilaw ay may epekto rin sa mga implamasyon sa katawan. Makatutulong din ito sa pagpapahupa ng pananakit ng ilang bahagi ng katawan tulad ng rayuma sa mga kasukasuan.
Paano ito gamitin? Ang luyang dilaw ay kilalang sangkap din sa paggawa ng inumin na salabat. Ang regular na pag-inom ng salabat na yari sa luyang dilaw ay makatutulong din sa kondisyon ng rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng luyang dilaw sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Luyang Dilaw.
3. Bawang
Kilala ang bawang sa maraming benepisyo nito sa kalusugan. Bilang isang natural na antibiotic, nakatutulong ito nang malaki sa pagharang sa impeksyon ng bacteria at fungi sa katawan. Ngunit bukod dito, nakatutulong din ito sa pagpapahupa ng pananakit na dulot ng implamasyon sa katawan gaya na lang ng rayuma.
Paano ito gamitin? Kadalasan, ang dinikdik na bawang ay pinapahid sa bahagi ng katawan na nanakit at apektado ng sakit na rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng bawang sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Bawang.
4. Yerba buena
Ang halamang yerba buena, tulad ng mint, ay may malamig na epekto sa katawan. Kaya naman madalas itong ihalo sa mga inumin o kaya ay nilalaga at iniinom na parang tsaa. Ang halamang ito ay may bisa din sa pananakit sa mga kasukasuan na dulot ng rayuma.
Paano ito gamitin? ang dinikdik na dahon at tangkay ng halaman ay mabisang pantapal sa mga kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng yerba buena sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Yerba buena.
5. Tanglad
Ang tanglad o lemongrass ay kilalang halaman na pantaggal sa lansa ng mga nilulutong pagkain. Ngunit bukod sa gamit nito sa pagluluto, ang langis ng tanglad ay may substansyang mabisang pantanggal sa mga pananakit na dulot ng implamasyon sa katawan.
Paano ito gamitin? Ang langis ng tanglad ay maaaring ipampahid o ipangmasahe sa mga kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng tanglad sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Tanglad.
6. Sambong
Ang mga substansyang taglay ng katas ng dahon ng sambong ay may mabuti ring epekto lalo na sa pagpapahupa ng impalamasyon sa katawan gaya na lang ng sakit na rayuma.
Paano ito gamitin? Dapat ibabad ang mga paa sa pinaglagaan ng dahon nang rayuma hanggang sa manuot sa paa ang katas ng halaman. Basahin ang iba pang benepisyo ng sambong sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Sambong.
7. Papaya
Ang dahon ng papaya ay mabisa din na panlunas sa pananakit na dulot ng rayuma. Kung kaya’t kilala rin itong gamot lalo na sa mga malalayong probinsya.
Paano ito gamitin? Ang malapad na dahon ng papaya ay pinipitpit hanggang magsugat-sugat bago ipantapal sa bahagi ng katawan na nananakit dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng papaya sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Papaya.
8. Malunggay
Ang masustansyang gulay na malunggay ay siksik sa mga bitamina at sustansya na kailangan ng katawan. Ngunit bukod sa benepisyo nito ng gulay na ito sa nutrisyon, maaaring makapag bigay lunas din ito sa ilang uri ng sakit, tulad na lang ng rayuma.
Paano ito gamitin? Ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng mga buto o mismong dahon ng malunggay ay makatutulong sa para maibsan ang pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng malungay sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Malungay.
9. Celery
Ang gulay na celery o kintsay ay may mabuting benepisyo din sa kalusugan. Maaari itong makapagbigay lunas sa ilang mga sakit gaya ng rayuma.
Paano ito gamitin? Ang regular na pagkain ng gulay ng kintsay ay makatutulong sa pagpapahupa ng pananakit ng rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng celery sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Celery.
10. Bayabas
Ang bayabas ay matagal nang ginagamit sa paggagamot sa maraming uri ng sakit. Ang iba’t ibang bahagi nito ay may mabuting epekto sa ilang kondisyon gaya ng implamasyon sa katawan.
Paano ito gamitin? Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng bayabas sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Bayabas.
MAAARING MAGAMOT NG OKRA
. Rayuma. Ginagamit ang para sa kondisyon ng rayuma pinaglagaan ng ugat ng okra. Ito’y maaaring inumin.
Sore throat. Ginagamit para sa kondisyon ng sore throat ang malapot na katas ng bunga ng okra. Makatutulong ito na mabawasan ang pananakit.
Hirap sa pag-ihi. Iniinom din ang pinaglagaan ng bunga ng okra upang bumuti ang pag-ihi.
Sugat. Matutulungan naman na mapabilis ang paghilom ng sugat sa pamamagitan ng pagtatapal ng dinikdik na ugat at dahon.
Pagtatae. Para naman sa kondisyon ng pagtatae, inihahalo ang malapot na katas ng bunga sa inuming tubig.
Varicose vein. Ang mga nakalitaw na ugat ay matutulungang maalis ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng okra.
Pagsusugat sa balat. Ang kondisyon naman ng pagsusugat sa balat ay matutulugan din ng pagpapahid ng dinikdik na buto ng okra na inihalo sa gatas sa apektadong balat.
Pulmonya. Mabisa naman para sa sakit na pulmonya ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak ng okra.