top of page

Gamot Para Sa Pimples

MGA BAGAY NA DAPAT MONG MALAMAN UKOL SA TIGYAWAT

Narito ang ilan sa mga susing kaalaman ukol sa tigyawat.

  • Ang tigyawat ay pangkaraniwang problema ng mga teenadyers. May mga adulto ring namomroblema dahil sa pimples.

  • Ang tigyawat ay maaaring pagmulan ng matinding pagkasiphayo at kawalan ng tiwala sa sarili lalo na kung ito ay tumutubo sa mukha.

  • Ang paggamot sa tigyawat ay paggamot din sa emosyonal o sikolohikal na pinsala na maaaring idulot ng di makontrol na pagdami ng tigyawat.

  • Ang mga taong madalas labasan ng tigyawat ay mas posibleng tamaan ng depresyon

  • Ang pagkain ng mga pagkaing gawa sa gatas ay nagpapalala sa tigyawat

  • Para mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng tigyawat, irinerekomenda ang paghilamos ng hindi sosobra sa dalawang ulit araw-araw.

  • Ang pagpisa sa pimples ay magpapalala ng problema

  • Ang mga gamot sa tigyawat na mabibili sa mga botika na hindi na nangangailangan ng anumang riseta ay nagtataglay ng benzoyl peroxide, salicylic acid at sulfur.

  • Ang risetang gamot sa tigyawat ay maaaring cream na ipinapahid, antibiotic o laser at light treatment.

  • Ang biglaang pagdami ng tigyawat ay maaaring dala ng stress, sobrang pag aalala, paggamit ng makeup at maruming buhok.

GAMOT SA PIMPLES NA MAAARING GAWIN SA BAHAY

Tamang pagkain. Naniniwala ang mga dalubhasa na ang pagkain ng mga malangis at mga produktong gawa sa gatas ay nagpapalala ng tigyawat. Kaya kung gusto mo ng makinis na mukha na walang pimples, kumain ka ng maraming gulay at uminom ng higit sa sampung baso ng tubig araw araw.Tamang paghugas ng mukha. Maghilamos ng dalawang ulit sa loob ng isang araw, at huwag nang sosobra pa diyan. Siguraduhing banayad na sabon ang gagamitin sa mukha. Gumamit ng maligamgam na tubig. Maging marahan sa paghilod sa balat ng mukha, huwag itong kukuskusin. Bumili at gumamit ng produktong panghilamos na may benzoyl peroxide.Huwag pipisain ang tigyawat. Ang pagpisa ng tagyawat ay magpapataas ng panganib na mainfect ang balat mo. Ang impeksyon sa pimples ay maaaring seryosong magpabara sa mga pores ng balat na maaaring maging sanhi ng pamumula at pamamaga. Ang pagtiris ng tigyawat ay maaari ring maging sanhi ng pangit na peklat sa mukha.Iwasan ang paghawak sa mukha. Ito ay simpleng pakinggan ngunit nangangailangan ng matinding pagpipigil sa sarili para maisakatuparan. Subukan mong iwasan ang paghawak sa mukha. Kung ikaw ay gumagamit ng telepono o cellphone, huwag mong hayaang tumama ito sa balat mo para maiwasan ang pagkapit ng dumi o sebo na galing dito. Bago humawak sa mukha, siguraduhing nakapaghugas ka na ng kamay gamit ang sabon.Kalinisan ng mga kamay. Ang pagkakaroon ng malinis na kamay ay isa sa mga susi para magamot ang tigyawat. Panatilihing malinis ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng paghugas gamit ang sabon. Panatilihing maikli ang mga kuko.Maluwang na pananamit. Kung ang iyong tigyawat ay tumubo sa bahagi ng katawan na natatakpan ng damit tulad ng likod, balikat, o dibdib, kailangan mong magsuot ng maluluwang na damit. Hayaan mong huminga ng maluwang ang iyong balat.Makeup. Siguraduhing naalis mo na ang iyong makeup bago ka matulog sa gabi. Gumamit lamang ng makeup na nonceomedogenic o nonacnegenic na makikita sa label.Malinis na buhok. Ang sebo, alikabok at mga dumi sa balat ay naiipon sa buhok. Panatilihing malinis ang iyong buhok sa pamamagitan ng maaayos na pagpaligo araw araw. Sikaping palaging malayo ang buhok sa mukha.Pagkabilad sa araw. Ang sobrang pagkabilad sa araw ay maaaring maging sanhi ng sobrang sebo sa mukha. May mga gamot sa tigyawat na maaaring maghantad saiyo sa sunburn kaya iwasan ang pagbibilad sa araw.Tamang pag-aahit ng mukha. Magingat sa pag-ahit ng iyong mukha. Gumamit ng pang-ahit na hiyang saiyo. Bago ka mag-ahit, palambutin ang balbas gamit ang sabon at maligamgam na tubig.

OVER THE COUNTER NA MGA GAMOT SA TIGYAWAT

Karamihan sa mga over the counter na mga gamot sa tigyawat ay naglalaman ng ganitong mga sangkap.Resorcinol. Ang resorcinol ay nakatutulong para matunaw ang mga blackheads at whiteheads. Ang aktibong sangkap na ito ay siya ring gamit sa mga gamot sa balakubak, eksema at psoriasis.Benzoyl Peroxide. Ito ay isang aktibong sangkap na umaatake at pumapatay sa mga bacteria at pumipigil sa pagpapalabas ng sebo sa balat. Ang benzoyl ay isang exfoliant sa lumilinis sa maliliit na mga butas ng balat at nagpapababa sa bilang ng mga bacteria na sanhi ng tigyawat.Salicylic Acid. Ang salicylic acid ay kilalang pamatay fungi. Pinapatay nito ang hindi kanais nais na mga mikrobyo sa balat. tulong din ito para pabilisin ang pagbabago ng balat at paglinis sa mga pores para matanggal ang mga bara na karaniwang sanhi ng pimples. Marami sa mga shampoo para sa balakubak ay nagtataglay din ng salicylic acid.Sulfur. Ang sulfur o asupre ay isang kemikal na tumutulong para matunaw ang tigyawat. Ang kemikal na ito ay matagal nang ginagamit para gamutin ang mga sakit sa balat tulad ng buni, hadhad, alipunga, tigyawat at iba pa. Hindi tiyak ng mga dalubhasa ang eksaktong proseso kung paanong gamot ang asupre sa mga sakit sa balat. Subalit alam natin na ito ay epektibong gamot sa mga sakit sa balat at lalong lalo na, ang asupre ay mabisang gamot sa pimples.Kung hindi umubra ang mga pamamaraang nabanggit natin bilang gamot sa tigyawat na maaaring gawin sa loob ng bahay, maghanap ka sa botika ng gamot na may sangkap na gaya ng nakalista sa unahan. Sa kadalasan, ito ay maaaring maging solusyon sa problema mo sa tigyawat.Kung ang mga ito ay hindi umiepekto saiyo at mapansing mong mukhang mas lumala pa ang iyong problema, huwag mag atubiling pumunta sa iyong dermatologist para sa propesyunal na tulong medikal.

Pag-uuri ng nagpapaalab na acne (blackheads)

Ang mga bukas at closed comedones na walang mga nagpapasiklab na reaksyon ay ang mga unang palatandaan ng hitsura ng acne. Ang tamang pag-aalaga para sa mukha at katawan sa bahay, ang mga regular na tawag sa tulong ng beautician ay mabilis na mapupuksa ang mga depekto ng balat, ibalik ang kalusugan at kagandahan ng natural na takip. Kung patuloy mong huwag pansinin ang mga umuusbong comedones sa noo, baba, likod, iba pang mga bahagi ng katawan, pagkatapos ay sa sealed pores, tulad ng sa mga lalagyan, magkakaroon ng isang aktibong pagpaparami ng bakterya, na nagreresulta sa pamamaga ng follicle kasama nakapalibot na mga tisyu at suppuration.Sa ilalim ng presyon ng masa na ito, ang pader ng follicle ng buhok ay maaaring sumabog, at sa gayon ang isang tagihawat ay lilitaw. Ang mga nagpapaalab na pimples sa mga may sapat na gulang at kabataan ay nahahati sa papules, na kulay-rosas o pula na mga nodula, na nakataas sa ibabaw ng balat, kung saan walang puting nilalaman; Ang mga pustula ay mga pimples na may pus (diameter ng isa hanggang sampung milimetro), na may puting ulo, sila ay napapalibutan ng isang inflamed derma. Ang pagbabago ng kulay ng pustules ay nangangahulugan ng pagsali sa pangalawang impeksiyon. Ang mga pabilog, hugis-kono o patag na mga formasyon ay hindi maaaring tratuhin o ipahid nang nakapag-iisa, dahil may mataas na posibilidad ng impeksyon sa dugo.Ang ganitong mga acne ay dapat ipakita sa doktor-dermatologist, upang sumailalim sa pagsusuri at upang isakatuparan ang kanyang mga rekomendasyon. Ang malalim na pagkupas acne ay isang indurated infiltrate na may isang mala-bughaw na tinge sa itaas ng balat ng balat. Ang ganitong mga acne ay ang resulta ng isang napapabayaan yugto ng acne, na maaaring maging isang hugis ng conglobate, kapag ang ilang tulad asul na flat spot sumanib sa isang masakit na pokus.

Ang mga sanhi ng acne at acne

Ang mga kadahilanan na nag-aambag sa pagbuo ng acne o pagpapupukaw sa kanilang hitsura, maraming. Upang makilala ang ugat na sanhi ng prosesong ito ay tumutulong sa medikal na pagsusuri. Sa unang lugar sa mga tuntunin ng prevalence ay isang surge sa produksyon ng mga hormones at ang kanilang release sa bloodstream. Kadalasan ay nangyayari ito sa mga kabataan, sa panahon ng muling pag-organisa ng katawan, kapag nangyayari ang matinding sekswal na pagkahinog, ang paggawa ng acne sa mukha ay isang sanhi ng malubhang pagkabalisa. Matapos malutas ang 25-taong hangganan, ang acne sa sinumang tao ay nagiging isang pagkakataon na mag-apela sa isang dermatologist at malaman ang etiology nito: isang kawalan ng timbang sa hormonal globo na nauugnay sa pagbubuntis, endocrine diseases, paggamit ng mga kontraseptibo o steroid; mga paglabag sa gastrointestinal tract; malnutrisyon (dahil sa pang-aabuso ng fast food, sweets, mataba pagkain); Nabawasan ang immune defense; pagkagambala sa metabolismo; genetic predisposition; mga problema sa ginekologiko; hindi makapag-aral o walang kontrol sa pag-aalaga ng mukha at katawan; labis na entrainment ng solarium o agresibong peelings; pagkabigo sa thermoregulation ng katawan (nito supercooling o overheating); demodecosis - subcutaneous tick; ang pagkakaroon ng masasamang gawi. Ang mga karamdaman ng mga sebaceous gland ay nagaganap din sa mga kondisyon ng stress, kapag ang adrenal glands ay nagpapatibay ng kanilang trabaho; mula sa sobrang kalinisan ng balat, na may madalas na paggamit ng mga antibacterial agent na sirain ang proteksiyon na lipid film at buksan ang impeksiyon sa mga pores; may hyperkeratosis - akumulasyon ng mga patay na selula ng epidermis sa ibabaw ng balat; kapag nasira ito, nagiging sanhi ng kasunod na pamamaga; kapag gumagamit ng mga gamot na naglalaman ng mga barbiturate, halogens o lithium, pati na rin kapag nagtatrabaho sa mga nakakalason na gamot.


bottom of page